Saliva Test ng Red Cross may home service na
Pwede na ang home service sa Saliva RT-PCR Test ng Philippine Red Cross.
Ayon sa Red Cross, nakipag-partner sila sa kumpanyang “Angkas” para maisakatuparan ang home service sa Saliva RT-PCR Test.
Para magpa-book, bisitahin lamang ang website ng Philippine Red Cross.
Pagdating ng Angkas, magbibigay ito ng kit kung saan ilalagay ang saliva sample.
Ayon sa Red Cross, P1,500 ang fee para sa Saliva Test at magdaragdag lamang ng P700 sa Angkas para sa Same-Day Appointment o P400 para sa Next-Day Appointment.
Sinabi ng Red Cross na 92.23 percent ang accuracy ng Saliva RT-PCR Test.
Mas mura din ito kumpara sa nasal swab RT-PCR Test. (DDC)