Pagpapairal ng truck ban mananatili suspendido ayon sa MMDA
Bilang pagsuporta sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya, patuloy na suspendido ang pagpapairal ng truck ban na ipinatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MDA) sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Ayon sa MMDA, layon nitong hindi maantala ang delivery ng cargo, lalo na ang may mga kargang medical supplies at essential goods, ngayong pandemya.
Samantala, suspendido rin ang pagpapatupad ng uniform light trucks ban na ipinatutupad sa kahabaan ng EDSA mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng gabi; at sa Shaw Boulevard mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga at at mula alas 5:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi.
Pinapaalalahanan naman ng MMDA ang mga truck driver na sumunod sa mga regulasyon at manatili lamang sila sa itinalagang lane upang hindi maging magulo ang daloy ng trapiko sa Metro Manila. (DDC)