Caraga, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.5 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 126 kilometers southeast ng Caraga, alas 5:19 ng umaga ng Biyernes, October 15.
May lalim na 30 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng aftershocks. (DDC)