Publiko hinikayat ng DOH na ugaliin ang “proper handwashing” ngayong Global Handwashing Day
Ginugunita ngayong araw, October 15 ang Global Handwashing Day.
Ayon sa Department of Health (DOH) batay sa Philippines Handwashing Habits Survey ng P&G na ginawa noong 2020, kalahati lamang ng 240 respondents ang naghuhugas ng kamay ng 20 segundo.
Lumitaw din sa survey na 50 percent lamang ng mga Filipino ang naghuhugas sa kritikal na panahon tulad ng bago kumain, pagkatapos gumamit ng toilet o pagkagaling sa labas.
Ngayong Global Handwashing Day, hinikakyat ng DOH ang bawat isa na alamin ang “proper handwashing” at turuan ang bawat isa kung paano ito isagawa.
Malaking tulong ito ayon sa DOH para mas maging ligtas lalo ngayong mayroong pandemya ng COVID-19. (DDC)