Canaman, Camarines Sur niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Tumama ang malakas na pagyanig sa lalawigan ng Camarines Sur.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 2 kilometers southwest ng bayan ng Canaman, ala 1:20 ng madaling araw ng Biyernes (Oct. 15).
May lalim lamang na 5 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na Intensities:
Intensity IV – Canaman, Milaor, Pili, San Fernando, and Sipocot, Camarines Sur; City of Naga;
Intensity III – Ocampo, Camarines Sur
Intensity II – Legazpi City
Una nang tumama ang magnitude 4.3 na lindol sa bayan din ng Canaman, alas 10:08 ng gabi ng Huwebes, Oct. 14.
1 kilometer lamang ang lalim ng unang pagyanig at tectonic din ang origin.
Naitala ang sumusunod na Intensities sa unang pagyanig:
Intensity V – Canaman, Camarines Sur
Intensity IV – Calabanga, Camaligan, Gainza, Ocampo, Pili, and Sipocot, Camarines Sur
Intensity III – City of Naga
Intensity II – Buhi, Camarines Sur
Ayon sa Phivolcs posibleng nagdulot ng pinsala ang magkasunod na may kalakasang lindol. (DDC)