Mahigit 7,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH; mahigit 5,000 pa ang gumaling
Nakapagtala ng mahigit 7,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito na ang ikalawang sunod na araw na mas mababa sa 8,000 ang bagong kasong naitatala ng kagawaran.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Huwebes, Oct. 14, ay 2,698,232 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 7,835 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,573,161 ang gumaling o katumbas ng 95.4 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 5,317 na gumaling.
84,850 naman ang active cases o katumbas ng 3.1 percent.
Nasa 40,221 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.49 percent makaraang makapagtala ng 154 pang pumanaw. (DDC)