Pondo ng DOH sa 2022, dinagdagan ng Kamara

Pondo ng DOH sa 2022, dinagdagan ng Kamara

Ibinalik ng Kamara ang malaking bahagi ng kinaltas ng Department of Budget and Management (DBM) sa orihinal na budget proposal ng Department of Health (DOH) para sa susunod na taon.

Base sa amyendang ginawa ng small committee sa pangunguna ni House Appropriations Committee Chairman Eric Yap sa House Bill 10153 o 2022 General Appropriations Bills, binigyan ng alokasyong P20 billion ang pagbili ng COVID-19 vaccines at booster shots.

Dinagdagan rin ng P5 billion ang para sa Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP), kabilang ang pagpapaospital sa mahihirap na pasyente.

Pinondohan rin ng P4.5 billion ang Special Risk Allowance ng kwalipikadong public at private health workers.

Sa orihinal na panukala ng DOH, P73.99 billion ang halaga ng pondo para sa COVID-19 response pero P19.68 lamang ang inaprubahan ng DBM.

P242 billion ang kabuuang budget proposal ng ahensya. (James Cruz)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *