Severe Tropical Storm Maring nag-iwan ng halos P980M na halaga ng pinsala sa pananim – DA

Severe Tropical Storm Maring nag-iwan ng halos P980M na halaga ng pinsala sa pananim – DA

Umabot sa halos P980 million ang halaga ng pinsala sa pananim na naidulot ng Severe Tropical Storm Maring.

Sa datos ng Department of Agriculture (DA), nakapagtala ng pinsala sa mga pananim sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, Western Visayas, at Central Visayas na aabot sa P979.97 million na halaga.

Ayon sa DA, umabot sa 35,429 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan at tinatayang 59,514 metric tons (MT) at 52,132 ektarya ng agricultural areas ang nawasak.

Kabilang sa napinsalang pananim ay palay, mais, high value crops at may mga nasira ding livestock at fisheries.
Pinakamalaking halaga ng pinsala ay sa mga pananim na bigas na umabot sa P781M ang halaga.

Ayon sa DA, 45,481 na ektarya ng taniman ng palay ang nasira ng bagyo.

Ayon sa DA, famit ang kanilang Quick Response Fund, maglalaan ng P172 million na halaga para sa rehabilitasyon ng mga naapektuhang lugar.

Mamamahagi din ng mahigit 168,000 bags ng rice seeds, mahigit 16,000 bags ng corn seeds at mahigit 1,400 kilograms ng iba’t ibang gulay sa mga apektadong rehiyon.

Maari ding mag-loan ang mga magsasaka ng hanggang P20,000 na payable in ten years at walang interest. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *