Number Coding suspendido pa rin sa ilalim ng pag-iral ng Alert Level 3 sa Metro Manila
Mananatiling suspendido ang pag-iral ng number coding sa Metro Manila sa kabila ng pagsailalim nito sa Alert Level 3.
Simula October 16 hanggang October 31 ay sasailalim na lamang sa Alert Level 3 ang Metro Manila batay sa inaprubahang guidelines ng Inter Agency Task Force.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), bagaman bumababa na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, hindi pa rin balik sa normal na operasyon ang mga pampublikong transportasyon kaya hindi pa ipatutupad muli ang number coding,
Paalala naman ni MMDA Chairman Benhur Abalos sa publiko at mga motorista, patuloy pa ring sundin ang health protocols upang mapangalagaan ang sarili, pamilya, at ang komunidad laban sa COVID-19. (DDC)