Tatlong kumpanya sa Pilipinas pasok sa World’s Best Employers ng Forbes
Tatlong kumpanya sa Pilipinas ang napasama sa listahan ng World’s Best Employers na inilabas ng Forbes para sa taong 2021.
750 na kumpanya sa buong mundo ang napasama sa listahan matapos tumanggap ng mataas na puntos sa pagiging “Best Employers”.
Batay sa inilabas na listahan ng Forbes, nasa pang-256 na pwesto ang kumpanyang Jollibee Foods; pang-487 na pwesto ang Ayala Corp.; at pang-665 na pwesto ang Aboitiz Equity Ventures.
Para mabuo ang nasabing listahan, ang Forbes at ang market research company na “Statista” ay nagsagawa ng survey sa 150,000 na full-time at part-time employees sa 59 mga bansa sa mundo.
Ang Samsung Electronics ng South Korea ang nanguna sa listahan.
Narito ang mga kumpanyang napasama sa Top 12:
1. Samsung
2. IBM
3. Microsoft
4. Amazon
5. Apple
6. Alphabet
7. Dell Technologies
8. Huawei
9. Adobe
10. BMW Group
11. Costco Wholesale
12. Coca-Cola
13. Cisco Systems
14. Adidas
15. Siemens
16. Southwest Airlines
17. AIRBUS
18. Dr. Oetker
19. Dassault Systems
20. Delta Air Lines (DDC)