9 patay sa Cordillera dahil sa pananalasa ng Bagyong Maring

9 patay sa Cordillera dahil sa pananalasa ng Bagyong Maring

Siyam ang naitalang nasawi sa Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa pananalasa ng Severe Tropical Storm Maring.

Ayon sa datos mula sa DSWD Field Office – CAR, maliban sa siyam na nasawi ay mayroon ding naitalang tatlong ugatan at isa pang nawawala.

Aabot sa 194 na mga barangay mula sa 37 munisipalidad at lungsod sa 5 lalawigan sa rehiyon ang naapektuhan ng bagyo.

Ayon pa sa datos, mayroong 18,353 na pamilya o 68,445 na katao ang naapektuhan.

Ayon sa DSWD-CAR, umabot na sa mahigit P1 milyon ang halaga ng naipagkaloob na tulong sa mga naapektuhang pamilya.

Kabilang dito ang P115,000 na tulong pinansyal sa anim na nasawi sa BAguio City at tatlong nasawi sa Benguet.

Gayundin ang mahigit 1,400 na family food pakcs, mahigit 9,600 na ready to eat food, 98 hygience kits, sleeping kits, kitchen kit at family kit. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *