Limang preso mula Gensan City Jail sasabak sa finals ng Intercontinental Online Chess Tournament for Prisoners

Limang preso mula Gensan City Jail sasabak sa finals ng Intercontinental Online Chess Tournament for Prisoners

Nakapasok ang mga pambato ng Pilipinas sa finals ng kauna-unahang Intercontinental Online Chess Tournament for Prisoners.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sasabak sa finals ang limang persons deprived of liberty (PDLs) mula sa General Santos City Jail.

Makakalaban nila ang Mongolia.

Kapwa walang talo ang PDL team mula Pilipinas ang Mongolia matapos talunin sa mga nagdaang laban ang mga PDL representatives mula Australia, Kyrgyzstan, United Arab Emirates at Armenia.

Ayon sa BJMP ang naturang online chess tournament ay inorganisa ng International Chess Federation (FIDE) bilang bahagi ng kanilang Chess For Freedom program. (DDC)

PHOTO COURTESY: JO1 Cedrix Cabangal, Gensan City Jail-MD Chess Team’s coach

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *