Dating pulis na tatakbong mayor sa 2022 elections, huli sa anti-drug operations sa Mt. Province

Dating pulis na tatakbong mayor sa 2022 elections, huli sa anti-drug operations sa Mt. Province

Arestado ang isang dating pulis na tatakbong mayor sa 2022 elections at walong iba pang mga suspek sa ikinasang anti-drug operations sa Mt. Province.

Aabot sa 167 bricks ng dried marijuana leaves at 6 na piraso ng marijuana tubular forms ang nakumpiska ng PDEA- Mt. Province sa joint interdiction/checkpoint operations kasama ang PNP.

Tinatayang aabot sa P20,760,000 ang kabuuang halaga ng marijuana na nakumpiska.

Unang naaresto ang tatlong mga suspek sa Sitio Ampawilen, Poblacion, Sadanga, Mt. Province lulan ng kulay gray na Nissan Almera kung saan nakuha ang 148 bricks at 6 tubular forms ng dried marijuana.

Kinilala ang mga suspek na sina Jorge Tomaldong Eyawon, Dario Di-wean Diway at Jake Caesar Bulosan Linchangan na pawang residente ng
Kalinga Province.

Samantala sa Oowayen, Poblacion, Sadanga, limang suspek din ang naaresto sakay ng itim na Hiace Grandia dala ang 19 bricks ng Marijuana dried leaves na tinatayang P2, 280,000 ang halaga.

Kabilang sa limang naaresto ay isang dating pulis at kumakandidatong mayor sa Sabangan, Mt. Province.

Ang walong suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *