Buong Luzon apektado ng Habagat; Metro Manila makararanas pa rin ng pag-ulan
Apektado ng Habagat ang buong Luzon.
Ayon sa weather forecast ng PAGASA ngayong Huwebes, October 14 ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Central Luzon.
Babala ng PAGASA ang mararanasang katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ay maari pa ding makapagdulot ng flash floods o landslides.
Bahagyang maulap na papawirin naman na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (DDC)