Southern Leyte Rep. Roger Mercado bagong DPWH secretary
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Southern Leyte Representative Roger “Oging” Mercado bilang bagong kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Nakapanumpa na sa pwesto si Mercado at ang oath taking ay pinangunahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Base ito sa mga larawang ibinahagi sa social media ng anak ni Mercado na si Maasin City Mayor Nacional Mercado.
Si Mercado ay vice chairman ng House committee on public works and highways.
Papalitan ni Mercado si Mark Villar na nagbitiw sa pwesto para tumakbong senador sa May 2022 national elections. (DDC)