Ecstasy tablets na itinago sa tarpaulin sheets nakumpiska sa Pasay
Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), libu-libong ecstasy tablets na itinago sa mga tarpaulin sheet sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.
Ayon sa BOC, galing ng Germany ang mga kargamento.
Natuklasan na ang dalawang improvised pouches ay naglalaman ng 3,865 hexagon tablets at skull tablets ng ecstasy na tinatayang aabot sa 6,570,500 ang halaga.
Nai-turnover na sa kustodiya ng PDEA ang mga ilegal na droga para sa case profiling at case build.
Magugunitang noon lamang nakaraang linggo, aabot sa P170,000 na halaga din ng ecstasy tablets ang nakumpiska sa Central Post Office Manila. (DDC)