Mahigit 100,000 katao naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Maring sa Region 1

Mahigit 100,000 katao naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Maring sa Region 1

Umabot sa mahigit 100,000 ang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Maring sa Region 1.

Sa datos na inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1, umabot sa 26,534 na pamilya ang naapektuhan sa rehiyon na katumbas ng 105,979 na katao.

Umabot naman sa 3,533 na katao ang nasa mga evacuation center pa.

Nakapagtala din ng 801 na mga bahay na nasira dahil sa Bagyong Maring at 25 bahay ang totally damaged.

Ayon sa DSWD, mayroong available na 23,129 na family food packs na maaring maipamahagi sa mga naapektuhang residente.

Mayroon ding standby funds na nagkakahalaga ng P5,091,035. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *