Lazada, Shopee at Facebook inatasan ng NTC na ihinto ang pagbebenta ng SMS blast machines

Lazada, Shopee at Facebook inatasan ng NTC na ihinto ang pagbebenta ng SMS blast machines

Nagpalabas ng show cause order at cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa Lazada, Shopee at Facebook.

Sa nasabing katutusan, inaatasan ang tatlong kumpanya na ihinto ang pagbebenta ng SMS blast machines.

Kabilang sa binawalan ng NTC ang Shopee at Lazada at ang Facebook para sa kanilang online shopping platform na Marketplace.

Ayon sa kautusan, hindi nagbibigay ng otorirasyon ang NTC para mag-import, gumawa, magbenta o magpalaganap ng nasabing gamit.

Dahil dito, ang pagbebenta nito ay maituturing na paglabag sa RA 3846 o Radio Control Law.

Inaatasan din ng NTC ang mga kinatawan mula sa Lazada, Shopee at Facebook na humarap sa NTC sa October 27, alas 10:00 ng umaga para magsumite ng written explanation.

Magugunitang kamakailan, iniutos ng NTC ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa emergency alert na natanggap ng mga cellphone users sa bahagi ng Hotel Sofitel nang maghain ng kandidatura si dating Senador Bongbong Marcos. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *