Women’s Basketball Team ng Gilas target na magkaroon ng Training Camp
Plano ng Gilas Pilipinas Women’s Basketball Team na mag set-up ng Training Camp.
Ito’y bilang paghahanda ng koponan para sa susunod na taon, partikular sa pagsabak sa dalawang prestihiyosong torneyo.
Umaasa si Gilas Women Head Coach Patrick Aquino na ma-regroup ang kanyang players sa Nobyembre para makapaghanda na sa pre-qualifying tournament ng 2022 FIBA Women’s World Cup sa February, gayundin sa Vietnam Southeast Asian Games sa Mayo, at sa 2022 Asian Games.
Binigyan-diin ni Aquino na mainam na mas maaga silang makapagsanay dahil nais nilang ma-sustain ang momentum na mayroon sila nang sumabak sa 2021 FIBA Women’s Asia Cup, kung saan naiwasan nila na bumaba sa Division B. (Infinite Radio Calbayog)