Pamahalaan nakapagturok na ng mahigit 50 million doses ng COVID-19 vaccine

Pamahalaan nakapagturok na ng mahigit 50 million doses ng COVID-19 vaccine

Umabot na sa mahigit 50 million doses ang total vaccines administered sa bansa mula nang umpisahan ang rollout ng bakuna kontra COVID-19 noong Marso.

Sa datos ng National Vaccination Operation Center (NVOC) kabuuang 50,066,590 doses na ng COVID-19 vaccine ang naiturok sa mahigit 30 million Filipinos.

Sa Oktubre 15 ay uumpisahan na rin ang pagbabakuna sa mga edad 12 hanggang 17 na mayroong comorbidities sa walong piling ospital sa Metro Manila.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer and vaccine czar Secretary Carlito G. Galvez, Jr. mayroon nang sapat na suplay ng bakuna sa bansa para mabakunahan ang 1.2 million na menor de edad.

Hanggang sa katapusan ng buwan g Oktubre ay inaasahang aabot sa 100 million doses ng COVID-19 vaccines ang darating sa bansa.

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 90% ng populasyon ng Pilipinas hanggang sa February 2022 bilang paghahanda na rin sa idaraos na 2022 national elections. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *