National Planetarium sa Maynila magsasara na
Inanunsyo ng National Museum of the Philippines ang pagsasara ng National Planetarium makalipas ang mahigit 40 taon.
Ayon sa pahayag, isasara at magsasagawa ng decommissioning sa 46 na taon nang National Planetarium sa Rizal Park sa Maynila.
Ito ay para bigyang-daan ang development plans ng National Parks Development Committee (NPDC) sa central at western sections ng Rizal Park.
Gagamitin din ng National Museum of the Philippines ang eastern section ng Rizal Park – kung saan matatagpuan ang National Museum of Anthropology at National Museum of Natural History.
Ito ay para sa sa planong pagtatayo ng National Museum Complex.
Ayon sa pahayag bagaman nakalulungkot na kailangan nang gibain ang lumang gusali ng Planetarium na naging isa na rin sa mga landmark ng Maynila, ay magkakaroon naman ng bagong pasilidad para sa National Planetarium. (DDC)