56 na kambing at tupa nalunod sa Gattaran, Cagayan
Hindi lamang pananim ang winasak ng pananalasa ng Bagyong Maring sa lalawigan ng Cagayan.
Sa Barangay Cumao sa bayan ng Gattaran, nalunod ang mga alagang kambing ng pamilya Ulep sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.
18 bangkay ng mga nalunod na hayop ang na-recover na ng pamilya.
Habang hindi na matagpuan ang iba pa..
Ayon sa Cagayan Provincial Information Office nakapastol ang mga hayop sa gilid ng ilog nang biglang tumaas ang antas ng tubig kaya inanod ang mga ito. (DDC)