Mahigit 38,000 na mga menor de edad sa Maynila rehistrado na para sa COVID-19 vaccine
Mayroon nang mahigit 38,000 mga menor de edad sa Maynila ang naiparehistro para makapagpabakuna kontra COVID-19.
Sa datos ng Manila Public Information Office, 38,512 na mga edad 12 hanggang 17 ang nakapag pre-register na.
Sa ngayon ay naghihintay na lamang ng go signal ang Manila City LGU sa pamahalaan para makapagsagawa ng vaccination sa mga menor de edad.
Sa mga nais na magparehistro, bisitahin lamang angĀ https://manilacovid19vaccine.ph/home.php
Sa Districts 1 and 2 may pinakamaraming nakapagparehistro na umabot na sa 12,919.
Kasunod ang District 5 na mayroong 8,242 na pre-registered minors. (DDC)