PANOORIN: Peligrosong pagsagip sa mga residente sa Sta. Teresita, Cagayan na na-trap sa mabilis na pagtaas ng tubig-baha
Sinuong ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang rumaragasang tubig sa bayan ng Sta. Teresita sa lalawigan ng Cagayan.
Ito ay para mailigtas ang mga residenteng na-trap sa kanilang tahanan matapos ang matinding pagbaha dulot ng Bagyong Maring.
Matagumpay namang nasagip ang sampung residente, kabilang ang isang bata.
Maingat silang inihatid sa pinakamalapit na evacuation center para mabigyan ng karagdagang tulong. (DDC)