Apat naiulat na nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Maring

Apat naiulat na nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Maring

Apat ang nasawi sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region dahil sa pananalasa ng Severe Tropical Storm Maring.

Sa 6AM report ng NDRRMC, isa ang naitalang nasawi sa Cagayan.

Kinumpirma naman sa Facebook post ng Cagayan Provincial Information Office na mayroong isang nasawi sa Claveria, Cagayan makaraang malunod.

Umabot din sa 1,750 na pamilya o 7,116 na katao ang inilikas sa 52 mga barangay sa Cagayan dahil sa naranasang pagbaha.

Nakaranas din ng malawakang power interruptio sa maraming bayan sa Cagayan.

Pero ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ngayong umaga ng Martes (Oct. 12) ay unti-unti nang naibabalik sa normal ang suplay ng kuryente.

Samantala, ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal tatlo pa ang naitalang nasawi sa La Trinidad, Benguet.

Ayon kay Timbal, ang tatlo na pawang menor de edad ay pumanaw dahil sa landslide. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *