Severe Tropical Storm Maring papalayo na sa Extreme Northern Luzon

Severe Tropical Storm Maring papalayo na sa Extreme Northern Luzon

Papalayo na sa Extreme Northern Luzon ang Severe Tropical Storm Maring.

Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 230 kilometers West ng Calayan, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 125 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis 25 kilometers bawat oras.

Bagaman papalayo na, nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 2 sa sumusunod na mga lugar:

– Batanes
– Cagayan including Babuyan Islands
– northern portion of Isabela (Palanan, Divilacan, Maconacon, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Quirino, Gamu, Roxas, Mallig, Quezon), – Apayao
– Kalinga
– Mountain Province
– Abra
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur

Signal Number 1 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:
– nalalabing bahagi ng Isabela
-Nueva Vizcaya
– Quirino
– Ifugao
– Benguet
– La Union
– Pangasinan
– Aurora
– Nueva Ecija
– Tarlac
– Zambales
– Pampanga
– Bulacan
– northern portion of Bataan (Samal, Morong, Dinalupihan, Abucay, Orani, Hermosa)
– northern portion of Quezon (General Nakar, Infanta) including Polillo Islands

Ngayong araw ayon sa PAGASA makararanas pa rin ng heavy to intense rains sa Ilocos Region, Benguet, Ifugao, Abra, at Mountain Province.

Moderate to heavy rains naman ang mararanasan sa Zambales, Bataan, Tarlac, at sa nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region.

Habang mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Metro Manila, Cagayan Valley, at nalalabing bahagi ng Central Luzon.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo ngayong araw.

Bukas ay tatama ito sa kalupaan ng Hainan, China. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *