411 na bagong kaso ng Delta variant ng COVID-19 naitala ng DOH
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 411 na bagong kaso ng Delta variant ng COVID-19.
Sa press briefing ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, umabot sa 747 samples ang naisailalim sa pinakahuling sequencing.
Sa mga sinuring samples, 88 ang naitalang Alpha variant habang 78 naman ang Beta variant.
Ayon sa DOH, kabuuang 14,517 samples na ang naisailalim sa sequencing.
Sa nasabing bilang, 26.2% ang naitalang Delta variant, 22.8% ang Beta variant, at 20.2% ang Alpha variant. (DDC)