AFP tumanggap ng mga bagong ambulansya at iba pang sasakyan mula sa AFPMBAI
Nakatanggap ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng bagong ambulansya at iba pang mga sasakyan mula sa Armed Forces and Police Mutual Benefit Association, Inc. (AFPMBAI).
Isinagawa ang turnover sa mga sasakyan araw ng Lunes (Oct. 11).
Nagkakahalaga ang mga ito ng kabuuang P7.6 Million na personal na tinanggap ni AFP Chief of Staff General Jose Faustino Jr. sa idinaos na joint turnover and blessing ceremony sa General Headquarters ng AFP.
“The AFP extends its appreciation to all the officers and members of the AFPMBAI for helping the military in the fight against COVID-19. This act of generosity continues to inspire our frontline workers to better perform their duties in overcoming the challenges of the pandemic.
Kabilang sa ipinagkaloob na sasakyan ay ang Nissan Type 2 DOH Ambulance na magagamit ng Camp General Emilio Aguinaldo Station Hospital; Toyota Hi-Ace Grandia van para sa AFP Supply Accountable Office; Honda motorcycle para sa limang Regional Pension and Gratuity Management Center units; at 2021 Avanza multi-purpose vehicle para sa Office of The Judge Advocate General.
Nagbigay din ang AFPMBAI ng office equipment para sa AFP Finance Center at isang Ultra HD television para sa Joint Task Force – National Capital Region. (DDC)