Dagdag na allowances, benepisyo sa health care workers sa panahon ng pandemya, isinusulong na maisabatas
Inihain ni House Committee on Social Services chairman Alfred Vargas ang House Bill 10331 o ang panukalang Allowances and Benefits for Health Care Workers Act.
Sa ilalim nito, bibigyan ng “just compensation” na P1 milyon ang pamilya sakaling mamatay ang health care worker sa pagtupad ng tungkulin.
Itinatakda rin ang dagdag na P100,000 allowance kapag nagkasakit ng severe at P15,000 para sa mild o moderate.
Layon nitong pagkalooban ng dagdag na allowances at mga benepisyo ang health care workers sa panahon ng pandemya gaya ngayong Covid-19 pandemic.
Sa ilalim ng kasalukuyang batas, entitled lang sa hazard pay ang public health workers.
Pero sa bill ni Vargas, itinatakda ang fixed monthly Special Risk Allowance para sa buong panahon na nagsilbi sila sa state of national emergency.
Gayundin ang full PhilHealth coverage para sa lahat ng gastos sa pagpapagamot, life insurance, accommodation, transportasyon at pagkain. (James Cruz)