Tropical Storm Maring bahagyang bumagal; Signal No. 2 nakataas pa rin sa ilang bahagi ng Northern Luzon
Bahagyang bumagal ang galaw ng Tropical Storm Maring.
Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 325 kilometers East ng Aparri, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 105 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa sumusunod na mga lugar:
– Batanes
– Cagayan including Babuyan Islands
– northern portion of Isabela (Palanan, Divilacan, Maconacon, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Quirino, Gamu, Roxas, Mallig, Quezon)
– Apayao
– Kalinga
– Mountain Province
– Abra
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
Signal No. 1 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:
– nalalabing bahagi ng Isabela
– Nueva Vizcaya
– Quirino
– Ifugao
– Benguet
– La Union
– Pangasinan
– Aurora
– Nueva Ecija
– Tarlac
– Zambales
– Pampanga
– Bulacan
– northern portion ng Bataan (Samal, Morong, Dinalupihan, Abucay, Orani, Hermosa)
– northern portion of Quezon (General Nakar, Infanta) including Polillo Islands, and Calaguas Islands
Ngayong araw, Oct. 11 ang bagyong Maring ay magdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas at kung minsan ay intense rains sa Batanes, Cagayan including Babuyan Islands, Cordillera
Administrative Region, at Ilocos Region.
Light to moderate at kung minsan ay malakas na ulan ang mararanasan sa Central Luzon at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.
Ayon sa PAGASA sa susunod na 12-oras ay maaring lumakas pa ang bagyo at maging severe tropical storm. (DDC)