Active cases ng COVID-19 sa Batanes umabot na sa 488
Nadagdagan pa ang bilang ng COVID-19 sa lalawigan ng Batanes.
Batay sa update na inilabas ng Batanes COVID19 Task Group, may naitalang 11 na bagong RT-PCR Positive o Rapid Antigen Positive.
Ayon sa pahayag ng Provincial Government, batay sa DOH Memorandum No. 2021-0252, lahat ng magpopositibo sa Rapid Antigen Test sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Area gaya ng Batanes, ang mga nag-positibo ay maituturing nang “Confirmed COVID-19 case”.
Nakapagtala na ngayon ng 831 na total confirmed cases ng COVID-19 sa lalawigan.
Sa nasabing bilang, 488 ang aktibong kaso at 339 naman ang gumaling na.
May naitala na ding apat na nasawi sa Batanes dahil sa COVID-19.
Pinakamaraming aktibong kaso ay sa Basco na mayroong 308 active cases.
Sumunod naman ang Ivana na mayroong 85 active cases. (DDC)