Tropical Storm Maring nasa Philippine Sea; Signal No. 2 nakataas sa ilang bahagi ng Northern Luzon
Nananatili sa Philippine Sea ang Tropical Storm Maring.
Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 645 kilometers East ng Tuguegarao City.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 105 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.
Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa sumusunod na mga lugar:
– Batanes
– Cagayan kabilang ang Babuyan
Islands
– northern portion ng Isabela (Santa Maria, Quezon, Cabagan, Delfin Albano, Santo Tomas, Tumauini, Maconacon, San Pablo, Divilacan, Palanan, Ilagan City)
– Apayao
– northern portion ng Kalinga (Balbalan,
Pinukpuk, Rizal, City of Tabuk)
– northeastern portion ng Ilocos Norte
(Pagudpud, Adams, Dumalneg, Bangui, Vintar, Carasi)
Signal No. 1 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:
– nalalabing bahagi ng Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– Pangasinan
– Abra
– nalalabing bahagi ng Kalinga
– Mountain Province
– Ifugao
– Benguet
– nalalabing bahagi ng Isabela
– Quirino
– Nueva Vizcaya
– northern at central portion ng Aurora (Dilasag, Dinalungan, Casiguran, Dipaculao, Maria Aurora, Baler)
– northern portion ng Nueva Ecija
(Carranglan, Lupao, Pantabangan, San Jose City)
– Catanduanes
– Eastern Samar
– eastern portion ng Northern Samar (San Roque, Pambujan, Las Navas, Catubig, Laoang, Mapanas, Lapinig, Gamay, Palapag, Mondragon, Silvino Lobos)
– eastern portion ng Samar
(Matuguinao, San Jose de Buan,
Hinabangan, Paranas)
Ngayong gabi hanggang bukas (Oct. 11) ng gabi ang bagyong Maring ay magdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas at kung minsan ay intense rains sa Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Cordillera Administrative Region, at Ilocos Region.
Light to moderate at kung minsan ay malakas na ulan ang mararanasan sa Central Luzon at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.
Ayon sa PAGASA sa susunod na 12-oras ay maaring lumakas pa ang bagyo at maging severe tropical storm. (DDC)