Paggunita sa Undas pinaghahandaan na ng PNP

Paggunita sa Undas pinaghahandaan na ng PNP

Sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang paghahanda sa paggunita ng Undas ngayong taon.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar epektibo ang maagang security preparations para matiyak ang kaligtasan ng publiko sa mga paparating na malalaking events kasama na ang November 1 at November 2.

Inatasan na ni Eleazar ang mga unit commanders na simulan na ang paghahanda sa ilalatag na seguridad sa All Saint’s at All Soul’s Day.

Kabilang sa paghahanda ang pakikipag-ugnayan sa mga local government units upang pagplanuhan ang mga patakarang ipapatupad sa mga sementeryo, memorial parks at columbarium ngayong panahon pa rin ng pandemya.

Noong nakaraang taon, isinara ang mga sementeryo at memorial parks sa panahon ng Undas para maiwasan ang pagdagsa ng publiko.

Ani Eleazar sa mga araw na pinapayagan ang pagbisita sa mga yumaong mahal sa buhay, dapat tiyakin ng mga pulis na mababantayang mabuti ang pagdating ng mga tao at masigurong nasusunod ang minimum health standards.

Sa Maynila, lumagda na ng executive order si Manila Mayor Isko Moreno na nag-aatas ng pagsasara sa mga sementeryo sa lungsod para sa Undas ngayong taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *