Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 10,000
Nakapagtala ng mahigit 10,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes, Oct. 8, ay 2,643,494 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 10,670 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,86,059 ang gumaling o katumbas ng 94 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 7,691 na gumaling.
118,203 naman ang active cases o katumbas ng 4.5 percent.
Nasa 39,232 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.48 percent makaraang makapagtala ng 191 pang pumanaw. (DDC)