Unang trainset para sa PNR Clark Phase 1 Project sasailalim na sa testing
Sasailalim na sa Factory Acceptance Testing (FAT) ang unang trainset para sa PNR Clark Phase 1 (Tutuban to Malolos).
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) ang mga tren ay gawa ng Japan Transport Company at ng Sumitomo Corporation Joint Venture (JSJV).
Sa pagsasagawa ng Factory Acceptance Tests (FATs) matutukoy ang compliance ng tren sa iba’t ibang international standards gaya ng ISO at JIS.
Malalaman din kung ito ay maayos na gumagana, bago ipadala sa Pilipinas ang tren.
Ayon sa DOTr, ginagawa ang testing sa test racks at pasilidad ng Japan Transport Engineering Company.
Ngayong buwan ng Oktubre nakatakdang umalis ng Yokohama Port ang tren at darating ito sa Malanday Depot sa unang linggo ng December 2021.
Aabot sa 300,000 pasahero kada araw ang makikinabang sa PNR Clark Phase 1.
Bababa din ang travel time sa pagitan ng Tutuban, Manila at Malolos, Bulacan mula sa sa 1 oras at 30-minuto patungo sa 35-minuto na lamang. (DDC)