Claimant ng ecstasy arestado sa Pasay City
Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lalaki na nag-claim ng mga ecstasy tablets sa Central Post Office Manila sa Pasay City.
Ang mga ecstasy tablets ay nadiskubre ng mga tauhan ng BOC sa NAIA matapos itong isailalim sa X-ray.
Binuksan ang kargamento para sa physical examination at doon nakitang 100 ecstasy tablets ang laman nito na aabot sa P170,000 ang halaga.
Galing ng Netherlands ang kargamento at naka-consign sa isang Henry James Chua.
Doon na nag-abang ang mga otoridad kay Chua para sa pag-pick up ng mga kargmento.
Nasa kostodiya na ngayon ng PDEA ang suspek at ilegal na droga.
Inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa kaniya. (DDC)