Calatagan, Batangas niyanig ng magnitude 5.2 na lindol
Niyanig ng magintude 5.2 na lindol ang lalawigan ng Batangas.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 19 kilometers northwest ng Calatagan alas 2:14 ng madaling araw ng Biyernes, October 8.
May lalim na 131 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.
Naitala ang sumusunod na Intensities:
– Intensity II – Calatagan, Batangas
Instrumental Intensities:
– Intensity II – Calapan City, and Puerto Galera, Oriental Mindoro; Makati City; Olongapo City;
– Intensity I – Batangas City, and Calatagan, Batangas; Tagaytay City, Cavite; Plaridel, Bulacan; Marikina City
Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 6.6 na lindol na tumama sa Calatagan noong July 24. 2021.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (DDC)