Bagyong Maring nasa Philippine Sea; Tropical Cyclone Wind Signal itataas ng PAGASA sa mga lalawigan sa Northern Luzon

Bagyong Maring nasa Philippine Sea; Tropical Cyclone Wind Signal itataas ng PAGASA sa mga lalawigan sa Northern Luzon

Nananatili sa Philippine Sea ang Tropical Depression Maring.

Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 595 kilometers East ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA ngayong araw, makararanas ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Eastern Visayas dahil sa nasabing bagyo.

Light to moderate at kung minsan ay malakas na buhos din ng ulan ang mararanasan sa Occidental Mindoro, Palawan at nalalabing bahagi ng Visayas simula bukas.

Bukas araw ng Sabado, posibleng magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal sa mga lalawigan sa Northern Luzon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *