Pagbabakuna sa mga edad 12 hanggang 17 na may co-morbidities uumpisahan sa ilang ospital
Sisimulan na sa October 15, 20201 sa mga ospital ang pagbabakuna sa mga batang may co-morbidities.
Walong hospital sites ang inisyal na itinakda ng pamahalaan upang masimulan ang vaccination sa mga edad na 12 hanggang 17 na mayroong co-morbidities.
Kabilang dito ang sumusunod na mga pagamutan:
– National Children’s Hospital (QC)
– Philippine Heart Center (QC)
– Pasig City Children’s Hospital (Pasig)
– Fe del Mundo Medicel Center (QC)
– Makati Medical Center (Makati)
– St. Luke’s Medical Center (Taguig)
– Philippine Children’s Medical Center (QC
Una nang sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na sa ospital muna ilulunsad ang pediatric vaccination para kung sakaling magkaroon man ng adverse event pagkatapos ng bakuna ay agad matutugunan ang mga bata sa loob ng ospital.
Uunahin ang mga edad 15 hanggang 17 at isusunod ang mga edad 12 – 14. (DDC)