Mahigit 43,000 na establisyimento nabigyan ng Safety Seals para makapag-operate ngayong may COVID19 pandemic

Mahigit 43,000 na establisyimento nabigyan ng Safety Seals para makapag-operate ngayong may COVID19 pandemic

Umabot na sa 43,332 public at private establishments sa bansa ang nabigyan ng Safety Seal Certifications ng pamahalaan para ligtas na makapag-operate ngayong may pandemya ng COVID-19.

Ang pagkakaloob ng Safety Seal sa isang establisyimento ay matapos ang pagsasailalim sa evauation ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Health (DOH), Department of Interior and Local Government (DILG), local government units (LGUs), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Tourism (DOT), at ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ang mga establisyimento na mayroong Safety Seal Certification ay nangangahulugang nakatugon ito sa minimum public health standards (MPHS) na itinakda ng pamahalaan.
by the government.

Ayon kay DTI Secretary Ramon M. Lopez mahalaga ang naturang programa sa pag-recover ng ekonomiya ng bansa.

Samantala, sinabi ni DILG Secretary Eduardo M. Año, na ang mga establlisyimento na nasa mga lugar na nasa ilalim ng istriktong quarantine restrictions ay dapat nang mag-apply ng Safety Seal.

Bagaman hindi mandatory ang pagkakaroon ng Safety Seal makatutulong din ito upang makahikayat ng customers.

Simula nang ipatupad ang Safety Seal program noong May 2021, umabot sa 85,731 na aplikasyon ang natanggap ng issuing agencies.

Sa nasabing bilang, 50.54% o 43,332 na aplikasyon ang naaprubahan na habang 11.50% o 9,858 na aplikasyon ang na-deny.

Ang iba pa ay sumasailalim pa sa inspeksyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *