Emergency alerts ng kandidato, pinaiimbestigahan sa NTC

Emergency alerts ng kandidato, pinaiimbestigahan sa NTC

Tinawag ng Bayan Muna na hijacking ng emergency alerts frequency ang pa-alarma sa paghahain ng kandidatura ni presidential candidate Bongbong Marcos.

Ayon kay Rep. Carlos Zarate, dapat imbestigahan at ipaliwanag ito ng National Telecommunications Commission (NTC) at ng Department of Information and Communications Technology (DITC).

Natanggap ng maraming cellphone users partikular ang mga taga-media na nagco-cover sa filing ng certificates of candidacy sa Comelec ang emergency alerts na may pro-Marcos message matapos maghain ng COC ang dating senador.

Sabi ni Zarate, magdudulot ito ng duda sa integridad ng sistema na inaasahan ng publiko para sa life-saving information.

Bukod sa NTC at DICT, iginiit rin ng kongresista na maimbestigahan ng Kongreso ang tinawag nitong kalokohang istilo ng pangangampanya. (James Cruz)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *