Mga cabinet officials bawal nang dumalo sa senate hearing; kailangang mag-focus sa pagtugon sa pandemya ayon sa Malakanyang
Kinumpirma ng Palasyo ng Malakanyang na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng opisyal at empleyado ng Executive Department na huwag nang dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hearings kaugnay sa 2020 Commission on Audit Report.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, effective immediately ang kautusan base sa memorandum ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Sinabini Roque na ang direktiba ay base sa prinsipyo ng separation of powers sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.
Sinabi ni Roque na kasalukuyang nasa State of Calamity ang bansa dahil sa COVID-19.
Dahil dito, ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno ay dapat makapag-focus aniya sa pagtugon sa pandemya. (DDC)