Dalawang mangingisda nailigtas ng Philippine Coast Guard sa Aklan

Dalawang mangingisda nailigtas ng Philippine Coast Guard sa Aklan

Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station sa Aklan ang dalawang mangingisda matapos magkaproblema ang sinasakyan nilang motorbanca sa kasagsagan ng pananalasa ng Tropical Depression “Lannie” sa karagatan na sakop ng Sta. Fe, Romblon at Nabas, Aklan.

Ayon sa Coast Guard, umalis sina Vincent Cunihar at Sonny Tayco sa Barangay Colong-Colong, Ibajay, Aklan noong Oct. 3 para mangisda sa Sibuyan Sea.

Habang pauwi ay nagkaproblema ang kanilang makina, kaya napadpad sila sa bahagi ng Sta. Fe, Romblon at Nabas, Aklan.

Agad nagpadala ng Search and Rescue (SAR) team ang Coast Guard nang matanggap ang distress call mula sa dalawang mangingisda.

Ligtas naman ang dalawa na dinala sa PCG Station Aklan.

Patuloy naman ang paalala ng PCG sa mga mangingisda na iwasan ang paglayag kapag may papalapit o may parating na bagyo. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *