Tatlo arestado ng NBI sa hindi otorisadong pagbebenta ng gamot kontra COVID-19

Tatlo arestado ng NBI sa hindi otorisadong pagbebenta ng gamot kontra COVID-19

Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pasay City ang tatlong katao sa ilegal na pagbebenta ng gamot kontra COVID-19.

Isinagawa ng mga tauhan ng NBI – Anti-Graft Division (NBI-AGD) ang operasyon laban sa mga suspek na sina KAREN AMERO, RONALDO CERIOLA at ERICKSON SORIANO.

Ayon kay NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor, hiniling ng Food and Drug Administration (FDA) sa NBI na magsagawa ng entrapment operation sa hindi otorisadong pagbebenta ng gamot laban sa Covid-19 gaya ng Remdesivir, Tocilizumab, Baricitinib at iba pa.

Ang mga gamot ay ibinebenta ng mga suspek sa pamamagitan ng Facebook, Shopee, at Lazada.

Batay sa FDA Advisory No. 2021-0759, ang Remdesivir ay hindi pa aprubado ng FDA bilang panggamot sa Covid-19 at wala pa itong Certificate of Product Registration (CPR).

Dahil dito, hindi pa ito maaring ilako sa merkado.

Ang paggamit naman ng Remdesivir ay dapat limited amount lamang sa isang partikular na pasyente at maari lamang ibigay sa mga ospital sa ilalim ng Compassionate Special Permit (CSP).

Nagsagawa mg test-buy ang mga tauhan ng FDA at doon nakumpirma ang pagbebenta ng mga gamot.

Dahil dito, nagkasa ng buy-bust operation ang NBI sa Crestly Building sa Perla St., Pasay City at doon naaresto ang mga suspek.

Nakumpiska din sa lugar ang kahon-kahong mga gamot kabilang ang Ivirem-Remdesivir.

Ipinagharap na ang tatlo ng kasong paglabag sa RA 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009 at paglabag sa of RA 10918 o Philippine Pharmacy Act. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *