House Speaker Allan Velasco nagsumite na ng COC sa Comelec Marinduque
Pormal nang naghain ng kaniyang certificate of candidacy si House Speaker Lord Allan Velasco sa Comelec Marinduque.
Si Velasco ay tatakbo muli bilang kinatawan ng Marinduque sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Naghain din ng kanyang kandidatura bilang Governor ng Marinduque si incumbent Governor Presbitero J. Velasco Jr.
Ayon kay House Speaker Velasco, hangad nilang mag-ama na maipagpatuloy ang mga nasimulang proyekto at programa para sa kapakanan ng mga taga-Marinduque. (DDC)