4.8 percent inflation rate naitala ng PSA para sa buwan ng Setyembre

4.8 percent inflation rate naitala ng PSA para sa buwan ng Setyembre

Bahagyang bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo noong nagdaang buwan ng Setyembre.

Ito ay makaraang makapagtala ang Philippines Statistics Authority (PSA) ng 4.8 percent na inflation rate.

Mas mababa kumpara sa 4.9 percent noong Agosto.

Ayon sa PSA, ang pangunahing dahilan ng pagbagal ng antas ng inflation noong Setyembre 2021 ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Transport na may 5.2% inflation at 55.8% share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa.

Ito ay dahil sa mas mabagal na pagtaas ng presyo ng pamasahe sa tricycle, pamasahe sa jeep, at pamasahe sa bus. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *