LOOK: DPWH Sec. Mark Villar nag-empake na; huling araw na ngayon bilang kalihim ng DPWH
Nag-eempake na ng kaniyang mga gamit sa opisina si Department of Public Works and Highways Sec. Mark Villar.
Ayon kay Villar ngayon ang huling araw niya sa opisina.
Nagpasalamat si Villar sa mga nakatrabaho niya sa DPWH.
Karangalan aniya na maging bahagi siya ng nasabing ahensya.
Si Villar ay tatakbong senador sa 2022 elections kasama ang iba pang miyembro ng gabinete ng kasalukuyang administrasyon. (DDC)