Bagyong Lannie nakatawid na ng northern portion ng Palawan; nasa bahagi na ng El Nido Bay ayon sa PAGASA
Nakatawid na sa bahagi ng northern portion ng Palawan ang tropical depression Lannie at ngayon ay nasa bahagi na ng El Nido Bay.
Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa coastal waters ng El Nido, Palawan
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong Northwest.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli) kabilang ang Calamian Islands.
Ayon sa PAGASA, ngayong araw, ang bagyo ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Palawan kabilang ang Calamian, Kalayaan, at Cuyo Islands.
Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, Western Visayas, at sa nalalabing bahagi ng MIMAROPA.
Kaninang alas 6:15 ng umaga ang bagyo ay nag-landfall sa Iloc Islands sa Linapacan, Palawan at kaninang 6:45 ng umaga ay muli itong nag-landfall sa El Nido, Palawan.
Bukas ng hapon o gabi ay inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo. (DDC)