Bagyong Lannie nag-landfall sa Guihulngan, Negros Oriental; Signal No. 1 nakataaas pa rin sa maraming lugar sa bansa
Tumama sa kalupaan ng Guihulngan, Negros Oriental ang tropical depression Lannie.
Sa 5PM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa bisinidad ng Guihulngan.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilomeyers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 25 kilometers bawat oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa sumusunod na mga lugar:
– southern portion of Masbate (Pio V. Corpuz, Cataingan, Palanas, Dimasalang, Uson, Mobo, Milagros, Mandaon, Esperanza, Placer, Cawayan, Balud)
– southern portion of Romblon (Cajidiocan, San Fernando, Magdiwang, Santa Maria, Odiongan, Alcantara, Ferrol, Looc, Santa Fe, San Jose)
– the southern portion of Oriental Mindoro (Roxas, Mansalay, Bulalacao, Bongabong)
– southern portion of Occidental Mindoro (Sablayan, Calintaan, Rizal, San Jose, Magsaysay)
– northern portion of Palawan (El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli) including Calamian and Cuyo Islands
– Capiz
– Aklan
– Antique
– Iloilo
– Guimaras
– Negros Occidental
– northern and central portions of
Negros Oriental (Bais City, Mabinay, City of Bayawan, Basay, City of Tanjay, Manjuyod, Bindoy, Ayungon, Tayasan, Jimalalud, La Libertad, City of Guihulngan, Vallehermoso, Canlaon
City)
– Cebu
– Boho
Ngayong araw hanggang bukas ng umaga ang bagyo ay magdudulot ng moderate to heavy rains sa Western at Eastern Visayas at sa MIMAROPA
Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan sa CALABARZON at Bicol Region, Mindanao at sa nalalabing bahagi ng Visayas
Hindi naman na ito inaasahang lalakas pa at mananatili sa tropical depression category.
Sa Huwebes ng umaga ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo. (DDC)