117 licensed professionals nanumpa bilang bagong commissioned officers ng PNP
Mayroong 117 na licensed professionals ang nanumpa sa pwesto bilang bagong commissioned officers ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay sa ilalim ng 2021 Lateral Entry program ng PNP para mapunan ang requirements sa mas maraming technical service officers.
Kabilang sa mga nanumpa sa pwesto ang apat na abogado, tatlong medico-legal officers, isang chaplain at dalawang medical doctors.
Sila ay mayroong inisyal na ranggo na Police Captain at may basic monthly salary na P56,582 at allowances.
Nanumpa din sa pwesto ang 107 na mga dentista, psychologists, nurses, social workers, pharmacists, nutritionists, engineers, chemists, forensic criminologists at IT officers.
Sila ay mayroong inisyal na ranggo na Police Lieutenant na may basic monthly salary na P49,528 at allowances at iba pang cash at non-cash benefits.
“The PNP has gained another batch of professionals and competent police officers as added strength to the workforce of the PNP that will complement to the growing demands of public safety especially in the midst of this ongoing global pandemic”, ayon kay Chief PNP Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar.
Itatalaga ang mga bagong police commissioned officers sa iba’t ibang regional offices ng PNP at sa national support units. (DDC)